i think monday entries are going to be some of the longest. shempre kasi id update you on what happened to me nun weekend... plus kung anu mang isyu ang bumabagabag sa isip ko, ilalagay ko pa. hehehe.
oh well, start off muna ako by saying, naloka ako today. kasi first time ko mag-distribute ng companies sa work. basta, parang dami gawin, i-check... a very complicated process... i hope i get the hang of it before proxy season starts. asus, eight nga lang ung pumasok today naloka na ko ng sobra, pano pa kaya kapag tipong mga 100 companies na pumasok?! siguro abutin ako hanggang gabi... :D
o well... just logged in sa friendster... 3 friend requests... woo hoo!!! :D hehehe...
as of date, i have 334 friendsters... wala lang... hehehe.
o, ano nangyari sa weekend ko?
let me start with friday. wehhh. di nman weekend yon ah? hehehe. basta, i went out with kit, kaya happy happy joy joy! :D binilhan pa nya ko nung mister donut na valentine edition (weh, yon ba tawag don?) basta ung me metal canister na heart shaped. hehe.
tapos nakapanood ako ng bubble gang after 100 years... ang sarap tumawa sa ka-corny-han...
nung saturday naman, fun fun kasi nakapag-area ako!!! weeheeeee!!! namiss ko talaga ung kids sa Escopa, pano ba naman, kids ko na un since 1st year college. grabe ung mga sinauna kong kids, anlalaki na tapos masmatangkad na saken. sheessshhhh... pero it made me wonder, just how did my presence there a few years back change their lives? me effect ba? ung pagka-engs kong pagturo ng catechism in a really hyper and weird manner, me effect ba? sana...
tanong nung processing, what made u commit to ur area? hmmm, sa totoo lang, kasi feeling ko talaga may silbi ako sa mundo pag dating sa area. na i really have this mission, na im needed. ganon. pero it also feels so darn good hearing tiny angelic voices screaming ur name ("ate anna! ate anna!") especially na after all these years, na kahit di nila ko makita every weekend, they still remember me... and how they love to hold my hand, come near me, make pa-cute and all. shempre, all of them are cute! :d kahit madungis, sobrang lambing talaga ng kids in my area. sobraaa.... :D kaya talagang babalik balikan mo.
hehe, ung kids tinutukso pa kami ni kit, "yihee! magde-date sila!!!" hehe, oo magde-date! o, me reklamo? hehehe. meron ngang mga kids, nag-a-argue. "ate, boyfriend mo ba si kuya kit?!" er, oo... hehehe... akala siguro ide-deny ko... hay nako, andami naman kasing mali-link sayong partners kapag area e, makulit kasi ung mga bata, intrigero pa! si emer, mitch, mon, andre... hehe, sanay silang matawa na lang ako. pero shempre ngayon, hindi na dine-deny... hahaha! :D
after nag-date nga shempre... basta masaya yon! :D
nung sunday naman, i cleaned my room. shempre, special moment yun pagnililinis ko kwarto ko. kasi minsan ko lang gawin. hehe. pero i did something different, kasi i made a, parang corkboard. basta cute! tuwang tuwa nga ako e. i put in pictures and bookmarks and lists, basta un, cute! kasi i did all the lettering and the doodles pa with my colored pencils! hehe, aliw ako mag-colored pencils kasi ang saya mag-mix and match. basta, cute na! tsaka ni-re-arrange ko ung posters ko sa wall... wala lang... gusto ko na rin sana i-repaint ung room ko kasi ung iba, nagchi-chip off na ung paint. ano kayang magandang color combination? suggest naman kayo o? ung matino ha? tsaka masarap sa mata...
after, nagmass kami. which reminds me na ang tagal tagal ko nang di nagko-komunyon kasi andami ko ng kasalanan. hehe. gusto ko na muna mag-confession kaso wala pang opportunity. nahihirapan ako humagilap ng confession room na may pari (confession room ba tawag don?!)
shempre, half-listening lang ako sa mass. ang hirap kasi mag-concentrate promise. kasi naman, sa village lang ata namin ung mass na taglish. nakakalito tuloy. kasi foreigner palagi ung priest. sa homily, di ko mashado maintindihan, kasi kakaiba ung accent. basta, ang hirap intindihin... okay, para bang excuse lang? pero basta, mahirap... kaya kung saan saan tuloy napapadpad ung utak ko...
hayyy... so bale nung mass, ang laman naman ng utak ko, is my plans for the future... well, kasi nakita ko ung music teacher ko nung highschool. she plays the piano kasi for our parish. e, married na sha, and balita ko, she lives na dun sa st. paul compound, free housing. actually, sabi ko sa sarili ko, that would be an option when im married na. magturo sa st. paul. hehe. ok kasi ata ang benefits e. ok naman din daw ang sweldo. i want to teach den kasi, kaso di ko alam kung mabo-boring-an ako... sana hindi. yon, kasi pag me-family na ako, at least, me housing na, tapos free pa ung pag-aaral ng anak ko (er, kung girl sha...) or kahit saang school siguro na same ang benefits... hehehe. parang ganun... gusto ko, if ever, ako ung tipo ng teacher na favorite ng students nya. hehehe. tapos pagpasko, madaming gift!!! (kung sa gradeschool magtuturo...) hehehe... basta ganun... anong subject kaya ang bagay sa akin?